Close

Prince Charles, nagpositibo sa coronavirus

Sponsor ads


Kinumpirma ng Clarence House na nagpositibo sa coronavirus si Prince Charles.

Si Charles, ang panganay na anak ni Queen Elizabeth.

Batay sa abiso, ang 71-anyos na prinsipe ay nagpakita ng mga mild symptoms, pero nanatili naman umano ito sa maayos na kondisyon ngayon.

Sa katunayan, nagtatrabaho pa ito mula sa kanyang bahay sa loob ng mga nakaraang araw.

Dahil dito, isinailalim rin sa COVID testing ang Duchess of Cornwall, pero negatibo naman ito.

Sa ngayon, naka-self-isolate naman si Prince Charles at asawa nitong si Camilla sa kanilang bahay sa Scotland.