Close

Prime suspect sa NZ mosques shooting, kinasuhan na

Sponsor ads


Sinampahan na ng kaso ng mga otoridad ang main suspect sa mass shooting sa dalawnag mosque sa New Zealand na ikinamatay ng 49 na tao at dahilan ng pagkakasugat ng maraming iba pa.

Kasong murder ang isinampa sa suspect na si Brenton Harrison Tarrant , 28 anyos at isang Australian citizen.

Tumanggi namang magsalita si Tarrant nang iharap ito sa korte na nakaposas at naka-tshirt ng puti.

Itinakda naman ang susunod na court appearance ni Tarrant sa April 5.