Close

Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, higit sa doble ang pagtaas

Sponsor ads


Tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa ng 100%, dalawang araw bago ang araw ng mga puso.

Ang presyo ng rosas mula P100 hanggang P150 piso ay tumaas ang presyo nito sa P800 kada bungkos.

Mula P180 naman ay sumipa ang halaga ng Carnation sa P250 kada 10 piraso.

Mabibili naman ang Stargazer sa presyong P200 kada tangkay mula sa dati nitong presyo na P130.

Maglalaro naman ang presyo ng Malaysian mums mula P120 hanggang P150 per bundle.

Samantala, pwede rin naman magpagawa ng arrangement ng bulaklak sa Dangwa kung saan aabot ang presyo nito mula P300 hanggang P700.

(PHOTO: thretravelingfool,com)