Close

Presyo ng kandila tataas na rin - DTI

Sponsor ads


Magtataas ng presyo ang candle manufacturersn dahil sa mataas na presyo ng mga raw materials nito at mababatang palitan sa Philippine peso exchange rate kontra US dollar.

Ayon sa Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, dollar ang ibinabayad ng candle manufacturers para sa raw materials kung saan imported raw materials at chemicals ang ginagamit nila.

Dagdag ni Castelo, pinag-aralan umano nila ang sulat na ipinadala ng candle manufacturers na humihirit ng increase.

Sa kabila nito, tiniyak pa rin ng DTI na mananatili sa suggested retail price levels ang presyo ng mga kandila.

Samantala, tataas rin ang preyo ng iba pang consumer goods dahil sa mataas na presyo ng langis at epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.