Close

Presyo ng bulaklak sa Gensan, tumaas na rin

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Tumaas na rin ang presyo ng mga bulaklak sa lungsod para sa Valentines Day.

Sa General Santos City Flower Vendor’s Association, halos domuble na ang presyo nito lalo na sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso.

Ayon sa isang nagtitinda ng bulaklak nagsimula na ang pamimili ng mga bulaklak ngayong besperas pa lamang ng Valentines Day.

Sa nasabing okasyon, tumaas ng 50 porsiyento ang presyo tulad ng long stem rose mula sa P40 habang P25 naman ang piraso.

Nasa P250 naman ang isang dosena ng rosas mula sa dating P150

Paliwanag ng mga flower vendor na tumataas ang presyo dahil sa malakas na demand. JBC