Close

Presyo ng bilihin, nagtaas dahil sa kulang na suplay

Sponsor ads


Nanawagan ang Department of Finance na panatilihin ang sapat na suplay ng mga pangunahing bilihin sa palengke gaya ng gulay, isda at prutas.

Ito kasi ang magpapanatili ng presyo ng mga nabanggit na produkto.

Kasunod ito ng pagtaas ng .3% ng halaga ng gulay, prutas at isda sa mga nagdaang buwan.

Naniniwala si Undersecretarty at chief economist Gil Beltran na bunga ito ng kakulangan ng suplay sa merkado.

Matapos kasi ang pagdami ng suplay ng mais, bigas at asukal ay mabilis ring bumaba ang presyo ng mga ito.

Kaugnay nito ay pinayuhan rin ni Beltran ang Bureau of Customs na pabilisin ang pagpasok sa bansa ng imported goods na makakatulong rin sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin at makakabawas sa pasakit ng mga mamimili.