Close

Presidential son sa journalist: "See you in court!"

Sponsor ads


"See you in court!"

Mensahe ito ni presidential son Paolo Duterte para sa isang journalist sa Mindanao.

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Nelson Constantino, editor ng Businessweek Mindanao, na hindi siya naniniwala sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil wala doon sa listahan ang anak nito na si Pulong.

Anya, maduming taktika lamang ng Pangulo ang pagpapalabas ng narco list upang makuha nito ang kanyang gusto.

Agad naman pinalagan ng dating Davao City vice mayor ang post ni Constantino.

Hinamon ni Pulong ang journalist na maglabas ng ebidensya para patunayan ang alegasyon nito.

Ikinumpara din ni Pulong si Constantino kay Senator Antonio Trillanes na sinabi niya ay puro salita lamang.