Close

Presidency, hindi pambabae; Sara, di tatakbo sa 2022 - Duterte

Sponsor ads


Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pinakamataas na elective post sa bansa ay hindi para sa mga babae, kasabay sa pagtanggi na ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang papalit sa kanya sa 2022.

Ayon kay Duterte, pinayuhan niya si Sara na hindi tumakbo sa presidential race dahil naawa umano siya sa dadaanan nito, na kanya nang naranasan.

Giit ng pangulo, hindi pambabae ang naturang posisyon, dahil malaki umano ang pagkakaiba ng emotional set-up ng mga babae kumpara sa mga lalaki.

Mababatid na ang presidential daughter ang nanguna sa listahan ng preferred presidential candidates para sa 2022 general elections sa bagong survey.