Close

Power supply, magi-improve simula bukas - DOE

Sponsor ads


Tiniyak ng Department of Energy na bubuti ang power supply ng bansa ngayong Semana Santa.

Ayon kay DOE Undersecretary at Spokesperson Wimpy Fuentebella, mahigit sa 3 power plants ang inaasahang mago-operate muli bukas matapos nitong sumailalim sa forced outage noong nakaraang linggo.

Sinabi din ni Fuentebella na ang inaasahang pagbaba sa demand ngayong Semana Santa ay magpapabuti sa power supply ng bansa.

Matatandaan na inilagay sa red alert status ang Luzon Grid sa tatlong magkasunod na araw noong nakaraang linggo matapos tumigil ang operasyon ng maraming planta.

Kahapon lamang ang huling beses na nalagay sa red alert ang pinakamalaking grid sa buong bansa.

Ang ibig sabihin ng red alert ay kung sobra-sobra ang inaasahang demand kaysa sa kapasidad ng planta.

Dahilan ito upang iimplementa ng National Grid Corporation of the Philippines ang rotational brownout sa ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na lalawigan upang panatilihin ang integridad ng power system.

(Photo via powerphilippines.com)