Close

Power house China, pinadapa ng Batang Gilas

Sponsor ads


Pinadapa ng Batang Gilas Pilipinas ang powerhouse China sa laro nito sa 2018 FIBA Asia Under-18 Championship na nagtapos sa score na 73-63.

Ginanap ang kumpetisyon ng dalawang youth basketball teams sa Studio 29 sa Bangkok, Thailand.

Pinangunahan ni Sean Dave Ildefonso ang team Philippines sa naitala niyang 18 points.

Ang pinagsamang lakas naman ng bigmen tandem nina AJ Edu at Kai Sotto ay nagbigay ng 24 points at 24 rebounds sa Batang Gilas.

Dahil nawalis ng Pilipinas ang tatlong laro nito sa Group B ay aabanse na ito sa quarter finals kung saan ay makakaharap nila ang Bahrain o ang matatalo sa pagitan ng South Korea at Chinese Taipei sa Group D.


(Photo: www.smartgilasbasketball.com)