Close

Power distr'n sa Batangas, posibleng maapektuhan ng Taal eruption

Sponsor ads


Nagbaba ang First Gen Corp. na maaring makaapekto ang Taal volcano eruption sa distribusyon ng kuryente.

Sa kasalukuyan,patuloy pa ang operasyon ng kanilang planta sa kabila ng pagbuga ng abo ng bulkan.

Paliwanag ni First Gen, malaki ang posibilidad na maapektuhan ang kanilang pasilidad sa oras na mangyari ang hazardous eruption.

Sa gitna,patuloy naman na nakikipagtulungan ang First Gen sa mga regulators kabilang na sa National Grid Corporation of the Philippines at Manila Electric Company at sa gobyerno.

Samantala, naibalik na ng power distributor na Manila Electric Co. (Meralco) ang kuryente sa ilang bahagi ng Sta. Rosa, Cabuyao, at Calamba sa Laguna, matapos na maapektuhan ng ash fall.

Nananatii naman sa Alert Level 4 ang bulkan, na nangangahulugan malaki ang posibilidad ng mas matinding pagsabog.