Close

Positibong resulta ng US-Taliban peace talks, welcome sa White House

Sponsor ads


Welcome sa White House ang patuloy na pag-ayos ng usapang pangkapayaan sa pagitan ng Estadoa Unidos at ng Taliban.

Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo, ang positibong tugon ng Taliban sa panawagang bawasan ang mga pag-atake at karahasan, ay isang indikasyon ng commitment nito sa peace talks.

Umaasa ang opisyal na ito na ang simula ng tuloy-tuloy na pag-ayos sitwasyon sa Afghanistan.

Matatandaang iniulat ng US Defense Department na pumayag ang Taliban sa proposal na magkaroong ng pagbabawas ng karahasan sa kanilang teritoryo sa loob ng pitong araw.//GAP