Close

Posisyon sa DICT tinanggap na ni Sen. Honasan

Sponsor ads


Tinanggap na ni Senador Gringgo Honasan ang alok ni Pres. Rodrigo Duterte na maging kalihim ng Department of Information and Communcations Technology o DICT.

Sa inilabas na pahayag ni Senador Honasan, sinabi nitong napagpasyahan niyang tanggapin ang alok ng punong ehekutibo para isulong ang mas maayos na Pilipinas, mas mabuting gobyerno, para sa taumbayan at para sa kinabukasan ng mga kabataan.

Magugunitang matagal nang sinabi ni Pangulong Duterte na nais niya si Honasan na maging secretary sa DICT dahil tiwala siya kakayahan nito.

Ayon noon sa pangulo, kung wala naman balak tumakbo si Honasan sa eleksyon ay bakit hindi nalang siya sumama sa hangarin ng pangulo na paunlarin ang bansa at ang gobyerno.

Wala pa naman inilabas na detalye ang Malakanyang kung kailan opisyal na uupo bilang kalihim ng DICT ang naturang senador.