Close

Posibleng pagkawala ni Almazan sa mga susunod na laro, pinaghahandaan ni Black

Sponsor ads


Pinaghahandaan na ni Meralco coach Norman Black ang magiging takbo ng finals series sa PBA Governors' Cup nang hindi nakakalaro si Raymond Almazan.

Ito ay dahil sa tinamong injury sa tuhod ni Almazan mula sa masamang pagkakahulog nito sa unang quarter ng Game Three na naipanalo ng Barangay Ginebra sa score na 92-84.

Isinugod si Almazan sa pagamutan sa halftime ng nabanggit na laro upang sumailalim sa MRI.

Ayon kay Black, nang makausap niya si Almazan sa halftime ay sinabi ng basketbolista na hindi nito maigalaw ang kanyang paa.

Sinabi ni Black na hindi ito magandang senyales, ngunit umaasa pa rin siya na agad gagaling si Almazan.

Aminado si Black na naramdaman niyang na-demoralize ang Bolts nang marinig nila ang sitwasyon ni Almazan, na dahilan upang bumagal ang laro nila sa third period.

Dahil diyan ay lumayo ang Gin Kings sa puntos sa pamamagitan ng kanilang 10-0 run.

(Photo Credit: Justin Bancis)