Close

Portugal forest fire death toll: 62

Umabot na sa 62 indibidwal ang bilang ng mga namatay sa malawakang forest fire sa central Portugal na sumiklab noong Sabado.

Pinaniniwalaan ng mga imbestigador na sanhi ng sunog ang pagtama ng kidlat sa tumaob na puno sa kasagsagan ng dry thunderstorm.

Ayon kay Prime Minister Antonio Acosta, karamihan sa mga nasawi ay na-suffocate at na-trap sa loob ng sasakyan nang kumalat ang apoy sa daan.

Tinawag din ni Acosta na "biggest tragedy" sa kasaysayan ng Portugal ang insidente.

Kasabay nito ay idineklara ng gobyerno ang 3-day national mourning para sa mga biktima ng trahedya. | Jasmine Cruz

(Photo Credit: Paulo Cunha/European Pressphoto Agency)