Close

Pork products galing Mongolia, posible na ring ipagbawal

Sponsor ads


Posible na ring ipagbawal ang pag-aangkat ng pork at pork products mula sa Mongolina dahil sa pinangangambahang African swine fever.

Ito ang naging pahayag ng Bureau of Animal Industry matapos maapektuhan ang Mongolia ng ASF.

Ayon kay Joy Lagayan, focal person for ASF sa ahensya, maglalabas sila ng memo hinggil rito.

Nilinaw naman ng BAI na hindi ito nakakahawa sa tao ngunit oras na makapasok ito sa bansa, posibleng ikamatay ito ng maraming baboy na siya namang ikalulugi ng industriya.

Mababatid na nauna nang nagpalabas ng pork importation ban ang Department of Agriculture sa 13 bansang apektado na rin ng ASF.

Kabilang rito ang Romania, China, Belgium, Hungary, Poland, Latvia, Zambia, Moldova, South Africa, Russia, Bulgaria, Ukraine at Czech Republic.