Close

Popularity ni PRRD, di makaka-apekto sa mga eendorso na kandidato- Palace

Sponsor ads


Naniniwala ang Malakanyang na hindi makaka-apekto sa popularidad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-eendorso nito ng mga kandidato na may kinakaharap na kaso tulad ni dating senador Jinggoy Estrada .

Ito matapos umani ng negatibong reaction ang pag-endorse ng Presidente sa dating mambabatas na unang nasangkot sa pork barrel scam at kasalukuyang nahaharap sa kasong katiwalian.

Tila hindi kasi umano seryoso ang Pangulo sa kanyang anti-corruption drive lalo na't sinabi na nito noon na mabalitaan niya lang ng kahit konting bahid ng katiwalian ay sibak kaagad ang miyembro ng kanyang mga gabinete.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Sec. Salvador Panelo walang paki-alam si President Duterte sa popularidad dahil mas pinagtutu-onan nito ang mandatong ibinigay sa kanya ng konstitusyon para magserbisyo sa bayan.

Binigyan diin ni Panelo na ilang beses na rin gumawa ng mga hindi pangkaraniwang desisyon ang Pangulo subalit nananatili pa rin mataas ang nakukuha nitong ratings mula sa publiko.