Close

Pops, hindi lonely sa pagiging single

Sponsor ads


"I'm single, but I'm not lonely"

Ito ang paglilinaw ng 52-anyos na concert queen na si Pops Fernandez nang siya ay matanong tungkol sa 10 taon niyang pagiging single mula nang mag-break sila ni Jomari Yllana noong March 2009.

Ayon kay Fernandez, kasama niya naman ang kanyang mga anak at marami siyang kaibigan.

Sinabi rin ng ng singer-producer na nagagawa niya lahat ng gusto niya sa kanyang oras kabilang na ang pagta-trabaho kung kailan niya gusto.

Sa katunayan anya ay mas nanaisin niya na maging single dahil wala siyang nararamdaman na pressure.

Gayunman, sinabi ni Pops na kung dumating man ang tamang tao para sa kanya ay hindi niya ito tatanggihan kahit hindi niya prayoridad na magka-love life.

Mababatid na kasama si Pops sa ilalim ng kumpanyang DSL Productions na nag-produce sa pelikula nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani na pinamagatan bilang "Feelennial (Feeling Millenial)."