Close

Pope Francis nakipagpulong sa mga lider ng simbahan sa US

Sponsor ads


Nakipagpulong si Pope Francis sa mga lider ng simbahang Katolika ng Estados Unidos para pag-usapan ang mga magiging hakbang kaugnay ng mga kontrobersya ng pang-aabuso ng mga pari.

Nakipagkita sa Vatican ang Santo Papa kina Cardinal Daniel DiNardo ng Galveston-Houston at Cardinal Sean O'Malley ng Boston na siyang nakapayo niya sa mga usapin ng pang-aabuso ng mga pari.

Matatandaang niyanig ng mga malalaking kontrobersya ang simbahang katolika sa Estados Unidos matapos ilabas ang isang ulat tungkol sa pang-aabuso ng isang pari mula sa Pennsylvania at ang resignation ni US Cardinal Theodore McCarrick noong Hulyo.

Inanunsiyo rin ng Vatican na walang opisyal na pahayag mula sa simbahang Katolika ang ilalabas sa publiko matapos ang nasabing pagpupulong.