Close

Pope Francis, nakatakdang bumnisita sa UAE sa Pebrero

Sponsor ads


Magsasagawa ng makasaysayang pagbisita si Pope Francis sa Abu Dhabi United Arab Emirates sa Pebrero para dumalo sa isang interfaith meeting.

Ayon sa Vatican, gaganapin ang pagbyahe ng Santo Papa papuntang Muslim nation sa February 3 hanggang 5.

Sinabi ng Vatican na tinanggap ni Pope Francis ang imbitasyon mula kay Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan, crown prince ng Abu Dhabi at ng Catholic community doon.

Sinabi ni spokesman Greg Burke na ang pagbisita ni Pope Francis sa nasbaing bansa ay magandang halimbawa ng culture of encounter.

Ipinapakita rin umano nito na binibigyang halaga ng Santo Papa ang inter-religious dialogues.

Mababatid na nauna nang binisita ni Pope Francis ang mga Arabic-speaking countries gaya ng Lebanon, at Egypt.

Ang tema aniya ng pagpunta ni Pope Francis sa UAE ay kapayapaan na may logo ng dove na may dalang olive branch kung saan inaasahang aapela sya ng matindi para sa Christian-Muslim dialogue at kapayapaan sa rehiyon.