Close

Pope Francis, nanawagan ng dasal para sa mga biktima ng COVID-19

Sponsor ads


Ipinagdasal ni Pope Francis ang libu-libong biktima ng COVID-19 sa buong mundo pati na ang mga bansa na may kumpirmadong kaso ng sakit.

Ayon sa Santo Papa, kailangan na sama-samang manalangin ng buong mundo para sa mga nabiktima ng sakit.

Mahalaga aniya na ipagdasal ang mga ito partikular na ang mga nasa China kung saan marami sa mga nagpositibo sa virus ay binawian na ng buhay.

Higit sa lahat na dapat na isama sa mga dasal, ayon kay Pope Francis, ay ang lakas upang malampasan ng buong daigdig ang epidemya at ang kagalingan sa mga tinamaan nito.//GAP