Close

Pope, tinanggap na resignation ng 3 bishops re: Child sex abuse

Sponsor ads


Tinangap na ni Pope Francis ang resignation ng tatlong Chilean bishops kabilang na ang kontrobersiyal na si Juan Barros kasunod ng umano'y child sex abuse scandal sa Chile.

Nabatid na buong delegasyon ng Chilean bishops ang nagsumite ng kanilang resignation sa Santo Papa noong nakaraang taon matapso ang sunod-sunod na pulong sa Vatican.

Inaakusahan ang ilang miyembro ng Chilean church hierarchy ng ilang biktima ng umano'y pagsasawalang bahala at pagco-cover up sa child abuse na ginawa ni Chilean pedophile priest Fernando Karadima noong 1980s at 1990s.

Sa kanyang anunsyo sa Vatican, sinabi ng Pope, hindi na ito mangyayari sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Kasabay nito, humingi rin ang Papa ng paumanhin sa mga biktima at inaming nakagawa ng "grave mistakes" matapos basahin ang 2,300-page report ng mga pang-aabuso sa Chile.