Close

PopCom, idinaan sa cheesy taglines ang teen pregnancy sa V-Day

Sponsor ads


Idinaan ng Commission on Population and Development (PopCom) sa cheesy taglines para magpaabot ng matibay na mensahe laban sa teenage pregnancy ngayong Valentine’s Day.

Giit ni PopCom Executive Director at Undersecretary Juan Antonio Perez, wala nang mas hihigit pa kumpara sa mga paalala na dapat “piliin ang pangarap, ‘wag ipagpalit sa panandaliang sarap”

Ayon kay Perez, ito ang magandang pagkakataon para ipaalala sa mga kabataan ang slogan sa Valentine’s Day na kung saan karamihan ng mga teens ay aminadong ginawa ang kanilang unang sexual encounters.

May isa pang kataga na ibinahagi ang Popcom sa mga kabataan, tulad ng “‘wag ipagpalit sa traje de boda ang iyong diploma”

Pero binigyang diin ng opisyal maging ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, na sa kabila ng mga matalinghagang tag lines ay ang masakit na katotohanan kung saan batay sa datos ng United Nations Population Fund (UNFPA), lumalabas na 1.2 million adolescent Filipinos ang nanganak sa naalipas na 10-taon.

Batay sa UNFPA, ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na birth rates sa mga kababaihan sa edad na 15 hanggang 19 na taong gulang sa ASEAN region.