Close

Pondo ng Surigao del Sur, posibleng hindi sumapat para sa rehabilitasyon - LGU

Sponsor ads


Nababahala ang provincial government ng Surigao del Sur sa posibilidad na hindi sumapat ang pondo nito para sa rehabilitasyon ng kanilang probinsya na labis na naapektuhan ng Bagyong Auring.

Ayon kay Surigao del Sur Governor Ayec Pimentel, nagamit na sa COVID-19 response ng probinsya ang karamihan sa pondo ng probinsya.

Kaugnay nito ay sinabi naman ni Tandag Mayor Roxanne Pimentel na tinatayang aabot sa P60-million ang pinsala ng bagyo sa agrikultura pa lamang.

Iginiit ng alkalde na ang mga magsasaka ang pinakaapektadong sektor sa nagdaang bagyo.

Samanala, base sa tala ng lokal na pamahalaan ay tinatayang nasa 31,000 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa Surigao del Sur.

Mababatid na humina na sa isang low pressure area ang nasabing weather disturbance.