Close

Pollo-like disease, tumama sa ilang bata sa Minnesota

Sponsor ads


Anim na bata sa Minnesota USA ang nadiskubreng dinapuan ng pollo-like disease simula noong buwan ng Setyembre.

Ayon sa mga eksperto, ang Acure Flaccid Myelitis o mas kilala sa tawag na AFM ay nakakaapekto sa nervous system ng katawan partikular sa spinal cord na puwedeng magdulot ng pagka-paralyze.

Inihayag ng mga dalubhasa na hindi tulad sa ordinaryong pollo, wala pang bakuna para sa AFM.

Napag-alaman din na maaring mag-develop ang AFM mula sa viral infection bagamat hindi pa natutuklasan ng mga siyentipiko ang pinagmulan nito.

Kabilang naman sa mga sintomas ng AFM ang panghihina ng gulugod, drooping ng mukha at hirap sa paglunok at maging sa pananalita.