Close

Poe: Batas, hindi dapat ginagamit para labagin ang kalayaan ng mga tao

Sponsor ads


Tinututulan ni Senator Grace Poe ang mungkahi na maibalik ang batas na gagawing krimen ang subversion.

Ayon kay Poe, hindi dapat ginagamit ang batas para pahinain ang mga mekanismo ng demokrasya.

Sinabi ni Poe na ang pagkakaalam niya tungkol sa Anti-Subversion Act of 1957 ay hindi ito kinatigan noon ng korte.

Ipinunto ng senadora na nag-iingat siya sa mga ganitong klase na panukala.

Anya, may korte naman na pwedeng pagdaanan ung pwedeng masabi ang isang bagay bilang subversive.

Matatandaan na sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na nais nitong maibalik ang Anti-Subversion Act upang kontrahin ang mga pag-re-recruit sa mga estudyante sa unibersidad para sumali sa mga militanteng grupo at underground movement.