Close

Poe sa 'atribida' remarks ni PRRD: 'Trabaho lang!'

Sponsor ads


'Pasensya na, ginagawa ko lang ang trabaho ko'

Ito na lamang ang naging tugon ni Senadora Grace Poe hinggil sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang buwan hinggil sa problema sa trapiko.

Matatandaang kasing nagbabala si Duterte noong Agoso na hahayaan na lamang niyang mabulok ang EDSA at ikinainis pa nito ang tila'y pagiging 'atribida' ng isang babaeng pulitiko.

Kaalinsabay ng mainit na isyu sa emergency powers, tinanong ang Senadora kung ano ang naging reaksyon nito noon sa sinabi ng Pangulo kung siya man ang pinatatamaan nito.

Giit ni Poe, ikinalungkot niya ito ngunit ipinaglalaban ang naman niya ang kapakanan ng mga mananakay.

Sinabi rin nito na hindi naman kasi basta-basta ipinapatupad ang isang batas dahil kailangan pa ring mag-ingat sa implementasyon nito para maiwasan ang kurapsyon.

Ipinunto pa ng Senadora na hindi naman niya siansabing lahat ng mga opisyal ng gobyerno ay kurakot.

Naibahagi pa nito ang sitwasyon ng isa umanong sinibak na opisyal ng gobyerno na nasangkot sa katiwalian at iniimbestigahan ngayon sa Senado.

Sa huli, nanindigan si Poe na hindi niya aabandunahin ang isyu sa trapiko at makagagawa sila ng solusyon para rito.

Matatandaang nagkainitan si Poe at si Transportation Secretary Arthur Tugade sa pagdinig ng kanyang kumite na Public Services hinggil sa panawagan ng Kagawaran ng magkaroon ng emergency powers ang Pangulo.
#