Close

Poe, kinundena ang pagpaslang kay Ka-Brigada Ed Dizon

Sponsor ads


Nanawagan si Senate Committee on Public Information and Mass Media Chair Sen. Grace Poe sa mga otoridad na dalhin sa ilalim ng batas at papanagutin ang mga pumaslang kay Brigada News FM Kidapawan Anchorman Eduardo Ka Brigada Ed Dizon.

Ayon sa senadora, mariin niyang kinokondena ang karahasang ito sa mga mamamahayag.

Iginiit ng mambabatas ang agarang pagresolba sa kaso dahil sa bawat bigo aniyang pagtugis sa mga salarin ng media killing, lumalaki ang tsansa na ito ay mauulit- at mauulit pang muli.

Dahil dito, sinabi ni Poe sa PNP na isapubliko ang progreso ng bawat kaso ng media killing na kanilang iniimbestigahan.

Sa ganitong paraan, malalaman ng taumbayan kung umuusad ba ang mga ito.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang senadora sa pamilya ng napaslang at nanwagan din sa mga kinauukulang ahensya na magpadala ng karampatang tulong.// GLENN PARUNGAO