Close

Podium para sa Tokyo 2020 Olympics, gagamitan ng plastik

Sponsor ads


Gagamitan ng recycled plastic ang podium para sa Tokyo 2020 Olympics sa unang pagkakataon.

Ang mga plastik na ito ay donasyon mula sa local supermarket chain at ang iba ay nakolekta lamang sa dagat sa pamamagitan ng marine clean-ups.

Aabot sa 45 tonelada ng plastic ang kakailaganin para makabuo ng 100 podiums sa palaro.

Ayon kay Tokyo 2020 CEO Toshiro Muto, layon nito na isulong ang mensaheng "sustainability" bilang tema ng Olympics.

Bukod rito ay nais rin ng organizers na i-promote ang eco-friendly message para sa mga lalahok sa palaro.

Mababatid na maging ang mga medalya ay mula rin sa recycled electronic waste.