Close

Piolo P, single by choice dahil mas mahal ang career

Sponsor ads


Nilinaw ng aktor na si Piolo Pascual na single siya hanggang ngayon dahil ito ang pinili niya.

Paliwanag ng aktor, ang dami daw kasi niyang gustong gawin sa buhay kaya ayaw niya munang maghanap ng magiging girlfriend.

Ayon kay Piolo, ayaw niyang makasakit kung pipilitin niyang mag-girlfriend dahil ang itinuturing niyang lovelife ngayon ay ang kanyang career.

Maliban sa kanyang pagiging aktor, nagpo-produce na rin ng pelikula kung saan co-founder siya ng Spring Films na may business plan na hanggang 2020 na mayroong 5-pelikulang nakapila.