Close

Pinoy youth, hakot medalya sa World handgun shooting contest

Hakot medalya angmga dalawang kabataang Pinoy na kumatawan sa Pilipinas para sa Philippine Practical Shooting Association sa juniors category ng 18th Handgun World Shoot tournament na ginanap sa Châteauroux town, France.

Parehong first-time participants sina Kahlil Adrian Viray, 15, at Rolly Nathaniel Tecson, 14, sa juniors level category kung saan 300 shooters ang kalahok mula sa iba't-ibang panig ng mundo.

Tinapos ng dalawa ang kumpetisyon sa isang 1-2 winning stand.

Pumangalawa naman ang Pilipinas sa United States sa team category kung saan kalahok sina Joseph Bernabe Jr. at John Paul Santiaguel, kasama sina Viray at Tecson.

Sa kabuuan, nakuha ng Pilipinas ang 6th place sa tournament at mayroong isang gold, apat na silver, at tatlong bronze medals.

Kasama sa mga nanalo sina:

-Silver, individual classic category — Jeufro Emil Lejano
-Silver, team classic category — Jeufro Emil Lejano, Wilfredo Martin Jr., Bernardo Mari Alejandro V and William Magalong
-Bronze, individual classic category — Jethro Dionisio
-Bronze, ladies' individual classic category — Grace Tamayo
-Bronze, super senior individual standard category — Israelito Pible
(Contributor: Cj Obillo)