Close

Pinoy student, inaresto at ikinulong sa Hong Kong

Sponsor ads


Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs sa mga Pilipinong nagbabalak magtungo sa Hong Kong na tiyaking hindi sila nagdadala ng ipinagbabawal na gamit sa bagahe.

Ito'y matapos iulat ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na may isang estudyanteng Pilipino na inaresto at ikinulong ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng dalawang extendable batons sa check-in luggage.

Ayon kay Consul General Antonio Morales, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga kagamitang pandepensa sa sarili gaya ng stun guns, pepper spray, tear gas, extendable baton, at flick knives dahil ikinokonsidera itong dangerous weapons sa naturang bansa.

Sa ilalim ng batas sa Hong Kong ay maaaring pagmultahin ng 100,000 Hong Kong Dollars ang sinumang mahuhulihan ng prohibited items at makukulong nang hanggang limang taon.

Sinabi pa ni Morales na patungo sana ng Canada ang estudyante noong January 8 nang maaresto ngunit pinayagan ring makaalis sa Hong Kong makalipas ang tatlong araw matapos ang legal representation at assistance na ibigay ng Consul General.