Close

Pinoy movie na Verdict, nakakuha ng special jury prize sa 76th Venice Film Fest

Sponsor ads


Nakuha ng Pinoy movie na Verdict ang special jury prize sa isinagawang 76th Venice Film Festival.

Ito ay pinagbibidahan nina Max Eigenmann, Jorden Suan, Rene Durian at namayapang aktor na si Kristoffer King.

Ang naturang pelikula ang kauna-unahang directorial job ni Raymund Ribay Gutierrez sa ilalim ng Center Stage Productions ni direk Brillante Mendoza.

Nakatakdang ipalabas ang pelikula na tumatalakay sa domestic violence sa September 13 para sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino.

Samantala itinanghal naman bilang big winner ang movie na Joker.

Nakuha ng pelikula ang Golden Lion for best film habang ang An Officer and a Spy naman ang Grand Prix second prize.