Close

Pinoy karateka sensation James De los Santos, world no.1 sa e-kata

Sponsor ads


Nagbunga rin ang pagsisikap ni Pinoy karateka sensation James De los Santos.

Ito ay matapos masungkit ang world no.1 status in e-kata.

Magugunitang nagsimula ang kampanya ni De los Santos noong Abril sa gitna ng COVID-19 pandemic kung saan humakot ito ng 15 gold medals sa mga sinalihang virtual competitions.

Umabot ng pitong buwan bago tuluyan maungusan ang dating no.1 na si Eduardo Garcia ng Portugal na may 8,575.00. kumpara sa 8,950.00 points ni De los Santos.

“I proudly raise this virtual flag with triumph. I am the new world no.1 eKATA player,” nakasaad sa post ni De los Santos sa kanyang social media accounts habang hawak ang laptop na may picture ng Philippine flag.

Hindi umano niya lubos maisip na makakamit niya lalo't sa pagsisimula ng tournament noong Abril ay 3000 points ang lamang sa kanya ni Garcia.

Ayon kay De los Santos ang target niya ngayon ay manatiling no.1 hangang matapos ang taon.