Close

Pinoy celebs, kanya-kanya ng pagbati sa Father's Day

Kanya-kanya ng paraan ang ilang mga celebrities sa pagbati sa kanilang mga papa, daddy o tatay ngayong Father's Day.

Mayroong simpleng Happy Father's Day with matching I love you lang, mayroong special treat sa mamahaling restaurant o kaya naman ay sa isang resort, pero itong sina Regine Velasquez at Kris Aquino, idinaan sa "throwback" at pagbibigay ng tribute ang kanilang pagbati sa kanilang mga yumao nang mga ama.

Ipinost ni Regine sa kanyang Instagram account ang short video ng kantang "Bakit Ako Mahihiya" na malaki aniya ang kinalaman sa kwento nilang dalawa ng kanyang namayapang tatay na si Mang Gerry Velesquez.

Ani Regine, sa kantang iyon nagsimula ang napakaraming adventures nila ng kanyang tatay sa isang damakmak na singing contests na sinalihan nila noon.

Habang si Kris Aquino naman ay nagpost sa kanyang Instagram account ng five hundred peso bill kung saan mayroong larawan ng kanyang ina at ama na sina dating Presidente Cory Aquino at Senator Ninoy Aquino.

Doon ibinida ni Kris ang mga memorable memories nila ng kanyang ama at ina nang nabubuhay pa ang mga ito at sinabing "Ano ba naman ang achievement ko kumpara sa nagawa ni Ninoy at Cory Aquino?"

Samantala, bukod sa kanyang ama ay binati rin naman ni Kris ang dalawang ama ng kanyang mga anak na sina Bimby at Josh na sina Philip Salvador at James Yap.

Pinasalamatan ni Kris sina Philip at James sa pagbibigay ng mga ito sa kanyang dalawang anak na nagbibigay aniya sa kanya ng inspirasyon, fulfillment at unconditional love ngayon.