Close

Pinoy Pole Vaulter at Olympic Athlete EJ Obiena, ligtas sa Italy

Sponsor ads


Siniguro ng Pinoy Pole Vaulter at Olympic Athlete EJ Obiena na ligtas siya sa bansang Italy sa gitna ng mataas na kaso ng COVID-19 doon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Obiena na maging siya ay sumailalim sa testing matapos ipatupad ng pamahalaan ang mass testing para pangalagaan ang mga mamamayan nito.

Si Obiena ang unang Pinoy na nag-qualify sa Tokyo Olympics matapos makapagtala ng 5.81m sa isang kumpetisyon sa Italy noong nakaraang taon.

Subalit, nakatakdang ipinagpaliban ang naturang palaro matapos i-assess ng International Olympic Committee ang global health crisis dahil sa banta ng COVID-19.