Close

Pinoy, may job ops sa Poland

Sponsor ads


Nag-alok ang Poland ng libu-libong job opportunities sa mga Pinoy na gustong magtrabaho sa manufacturing, fish and meat processing, heavy duty truct driving at information technology sa Poland.

Ayon kay Philippine Association of Service Exporters, Inc. president Elsa Villa, karamihan sa alok na trabaho ay hindi na mangangailangan ng experience dahil bibigyan naman ang mga ito ng sapat na training.

Magkakaroon rin ang mga empleyado ng tyansang mag-apply ng residency at madala ang kanilang pamilya sa Poland pagkatapos ng 5 taong pagtatrabaho.

Pinaalalahanan naman ng Philippine Overseas Employment Administration ang mga job-seekers na siguraduhing opisyal ang aaplayang trabaho.