Close

Pingris, umaasa na susunod ang mga kasamahan sa mga patakaran ng PBA

Sponsor ads


Halo ang nararamdaman ngayon ng mga PBA players kaugnay sa pagbabalik ensayo nila matapos itong matigil dahil sa pandemya.

Parehong excited at nangangamba ang mga basketbolista sa muli nilang pag-eensayo, at handa naman sila na sumunod sa napagdesisyunan na paraan ng liga upang makabalik na muli sila sa practice.

AYon kay Marc Pingris ng Magnolia, nakatitiyak siya na ginagawa na lahat ng PBA para sila ay maging ligtas.

Handa anya silang sumunod sa sasabihin ng liga upang ma-monitor ang lahat ng kanilang galaw.

Kumpyansa rin si Pingris na bilang mga professional basketball players ay magiging responsable ang lahat sa pannatili sa PBA bubble para maalagaan ang kanilang sarili at pamilya.

Sa nasabing pamamaraan na ipatutupad ng PBA para sa non-scrimmage practices sa August 10 ay ang mandatory swab testing, at ang closed circuit approach kung saan ay bahay at gym lang pwedeng puntahan ng players.

Sakaling kailanganin ng nila lumabas para mag-grocery o bumili sa drug store ay kailangan nila itong ideklara sa PBA.