Close

Pinay weightlifter na si Sarno, nagkamit ng 3 ginto sa international online competition

Sponsor ads


Nakasungkit ng 3 ginto ang pambato ng Pilipinas na si Vanessa Sarno sa ginanap na International Weightlifting Federation Online World Youth Championship.

Nakapagrehistro ang 17-anyos na si Sarno ng 93kg sa snatch, 118kg sa clean and jerk at 211kg sa kabuoan para maselyohan ang 3 panalo nito sa 71kg division ng virtual event.

Malaking improvement ito kung ikukumpara sa dalawang gold at isang silver na nakuha niya noong nakaraang taon sa Pyongyang, North Korea.

Samantala, bukod kay Sarno ay nag-uwi rin ng mga medalya ang magkapatid na Rose Jean at Rosegie Ramos.

Nakakuha ang 15-anyos na si Rose Jean ng isang silver medal sa snatch ng 45kg class habang dalawang silver naman ang nasungkit ng 17-anyos na si Rosegie.

Mababatid na umabot sa 366 na entries mula sa 133 bansa ang naipasok sa virtual competition na pinangunahan ng Peru.


(Photo: Samahang Weightlifting ng Pilipinas, INC)