Close

Pinay powerlifter, nasungkit ang bronze sa 2018 Asian Para Games

Sponsor ads


Muling nadagdagan ang medal tally ng Pilipinas sa ika-limang araw ng 2018 Asian Para Games.

Nasungkit kasi ni Adeline Dumapong-Ancheta ang bronze medal sa powerlifting competition na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Nasa 107kg ang binuhat ng 44-anyos na Pinoy Paralympian sa 86kg event na dahilan upang maiuwi nito ang ika-pitong bronze medal ng Pilipinas.

Nakuha naman ng mga kinatawan ng South Korea at Indonesia ang 1st at 2nd place.

Mababatid na si Dumapong-Ancheta, na may sakit na polio mula pa noong siya ay 3-taong gulang, ang unang Pilipina na nakakuha ng medalya sa naturang continental games nang ganapin ito noong 2000 Summer Paralympics.

Sa ngayon, hawak ng Pilipinas ang 19 na medalya kabilang na ang 6 na gold, 6 na silver at 7 bronze.

(Photo: Jat Tenorio - Philippine Sports Commission)