Close

Pinas, buenamano sa 3x3!

Maganda ang umpisa para sa Philippine Team sa una nilang laban para sa FIBA 3x3 World Cup kaninang umaga.

Pinataob ng ating mga pambato ang koponan ng Romania sa iskor na 21-15 sa Nante, France.

Hindi epektibo ang height advantage ng kalaban sa mala-halimaw na laro ni Kobe Paras.

Nakapasok pa sa game highlights ang bastos na behind-the-back crossover nito kay Mihai Vacarescu.

Nagpapanalo-rin ang lay-up foul nito sa huling 30 segundo ng laban na nagresulta sa 4 points.

Nuong una ay lamang pa ang Romania sa iskor na 13-12 bago umarangkada ang two-time UAAP MVP na si Kiefer Ravena.

Pina-angat nito ang iskor sa sa 17-13; apat na lamang sa huling 1:06 ng laban.

Bumida si Paras sa iskor na 12, Ravena na kumana ng 5 points, at tig-2 points kina JR Quinahan at Jeron Teng.

Kasalukuyan naman nilang nakakalaban ang host counry na France.
#
(FIBA Photo)