Close

Pinakamalaking underwater restaurant sa buong mundo, malapit ng matapos

Sponsor ads


Malapit ng matapos ang 100-feet long underwater restaurant na itsurang lumubog na periscope sa Norway, pinakaunang underwater restaurant sa Europe at itinuturing na pinakamalaki sa buong mundo.

Inilubog ang restaurant noong July 2018 na kasalukuyang kimukumpleto ang interior designs at inaasahang magbubukas sa publiko sa tagsibol ng 2019.

Pinangalanang Under ang restaurant na idinisenyo ng Norweigian outfit na Snøhetta na kilala ring nagdesenyo ng Bibliotheca Alexandria sa Egypt, Oslo Opera House,renovation ng Times Square sa New York at marami pang iba.

Aabot sa 100 panauhin ang magkakasya kapag natapos ang Under na may kabuuhang sukat na 500 metro kuwadrado na may roong 11 metro kalapad na panoramic window kung saan makikita ang kakaibang underwaterview ng marine environment.

Naglaan ng anim na buwan upang gawin sa gabara malapit sa dalampasigan ang restaurant, nilagyan ito ng mga container na may tubig saka ito pinalubog sa dagat sa tulong ng 18 angkla.

Samantala tatanggap na ng reservations ang nasabing restaurant simula Abril 2019. - Maica Clava