Close

Pinakamalaking rebulto sa buong mundo ipapakita ng India

Sponsor ads


Nakatakda nang ipakita sa susunod na buwan ni Prime Minister Narenda Modi ang pinakamalaking statue sa buong mundo na tinawag nilang Statue of Unity.

Inialay ang higanteng rebulto kay Sardar Patel, ang unang deputy prime minister ng India, isang nasyonalista na tumulong upang mapagkaisa ang modernong India matapos nilang makamtan ang kalayaan mula sa Britanya.

Sa Oktubre 31,2018 nakatakdang buksan sa publiko at sa buong mundo ang statue kasabay ng kaarawan ni Patel.

Ayon kay Michael Graves na siyang namuno sa Architecture and Design, aabot sa 600 talampakan ang taas ng statue, mas mataas ng 200 talampakan sa Spring Temple Buddha sa China na may taas na 420 talampakan at itinuturing na ikalawang pinakamalaking monumento sa mundo.

Inaasahang makakaakit ng libu-libong turista kada-araw ang statue at ayon sa Smithsonian, tinatayang nasa 460 milyong dolyar ang inilaan sa pagpapagawa ng rebulto.

Matatanaw mula sa higanteng statue ang Sardar Sarovar Dam sa Narmada River, ang sentro ng government economic policy ng India. // MAICA ERYN CLAVA