Close

Pinaka-batang bilyonaryo sa Africa, kinidnap

Sponsor ads


Dinakip ng mga armadong kalalakihan sa Tanzania ang pinaka-batang bilyonaryo sa Africa.

Si Mohammed Dewji, 43 taong gulang, ang namumuno sa MeTL Group na nag-ooperate sa sampung bansa na may interes sa agrikultura, transportasyon, logistika at food industry.

Naganap ang pagdukot kay Dewji nang pumasok ito sa gym ng isang hotel.

Ayon kay Regional Governor Paul Makonda, ang naturang insidente ay bago lamang sa lugar.

Kwento naman ni Dar es Salaam police chief Lazaro Mambosasa, nagpaputok sa ere ang mga suspek bago isakay sa sasakyan si Dewji.

Sa ngayon ay tinutugis na ng pulisya ang mga suspek at inaalam na rin ang motibo sa krimen.