Close

Pinagmulan ng COVID-19, palaisipan pa rin sa WHO

Sponsor ads


Nananatiling palaisipan sa World Health Organization ang tunay na source ng COVID-19 na nagmula sa China.

Ayon sa WHO, nananatili pa rin bilang isang teorya na mula ang sakit sa mga hayop na kinakain ng mga Chinese matapos kumalat sa social media ang bat soup at iba pang putahe na gawa sa wild animals.

Sa ngayon aniya, wala pang opisyal na patunay o pag-aaral na ang sakit ay buhat sa pagtangkilik ng mga Tsino sa pagkain ng mga hayop tulad ng pangolin.

Matatandaang ang MERS-CoV o Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus ay isang uri ng virus mula sa hayop na naililipat sa tao.//GAP