Close

Pimentel: Walang loyalty check sa mga senador para sa SP

Sponsor ads


Pinabulaanan ni Senate President Koko Pimentel ang bali-balitang nagsasagawa siya ng loyalty check sa majority block ng Senado matapos ang usapang pagpapalit sa kaniya bilang lider ng Senado.

Ayon kay Pimentel, hindi na kailangan pang gawin ang loyalty check dahil willing umano siyang mapalitan bilang Senate President.

Ganunpaman, sinabi ng senador na dapat ang papalit sa kaniya ay aabot pa ang termino hanggang June 30, 2019 upang may tumatayo pa ring leader sa Senado bago pumasok ang mananalong senador sa 2019 midterm elections.

Sinabi naman nito na pasok sa naturang criteria si Senate Majority Leader Tito Sotto na una nang napabalitang papalit kay Pimentel sa pwesto.

Una nang itinanggi ng dalawang senador na planado ang lahat para sa kanilang rigodon at sinabing wala pang kapagkakasunduan ang mga majority senators.