Close

Pimentel, tutol gawing PDP-Laban council chair si Arroyo

Sponsor ads


Tutol si Senador Aquilino "Koko" Pimentel sa ideyang ihalal si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo bilang National Council Chairperson ng ruling PDP-Laban party.

Kinundena ni Pimentel ang proposal na ito ni Rogelio Garcia, lider ng isang paksyon ng PDP-Laban na nagsasabing pinalitan na bilang party president ang senador.

Banat ni Pimentel, bumuo na lamang sila ng sarili nilang partido at huwag mang-agaw ng kapangyarihan sa partidong hindi naman nila pinaghirapan

Naniniwala rin ang senador na walang kinalaman si Arroyo sa panawagan ng grupo ng mas mataas na posisyon para sa kongresista dahil abala ito sa pamumuno sa House of Representatives.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Pimentel na wala namang kaso sa totoong PDP Laban na mawalan ng ilang miyembro para lumapit sa isa pang partidong sumusporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa gitna ng usap-usapang ilang miyembro ng PDP-Laban ang nais lumipat sa regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio's na Hugpong ng Pagbabago.