Close

Pimentel, OK magbitiw bilang PDP-Laban prexy

Sponsor ads


Nanindigan si Sen. Koko Pimentel na hindi niya ibibigay kay Atty. Rogelio Garcia ang pagka-presidente ng kanilang PDP-Laban party na hawak niya sa kasalukuyan.

Ayon kay Pimentel, handa siyang bumaba sa pwesto dahil hindi siya kapit-tuko ngunit bakit niya ito ibibigay kay Garcia gayung hindi naman nila ito nakasama sa pagtataguyod ng partido.

Giit ng senador, bakit si Garcia ang kakain sa itinanim, inani, niluto, at inihanda ng kanilang mga kapartido.

Patutsada pa ni Pimentel, wag sanang i-shortcut ni Garcia ang pag upo sa liderato ng partido na tila para umanong isang instant jackpot.

Magugunitang si Garcia ang nahalal bilang bagong PDP-Laban President ng isang paksyon ng partido noong nakaraang July 27.