Close

Piloto patay sa helicopter crash sa Manhattan

Sponsor ads


Isa ang patay bunsod ng pag-crash ng helicopter sa bubong ng midtown Manhattan building sa New York city.

Kinilala ang namatay na piloto ng helicopter na si Tim McCormack.

Ayon sa report, nag-take off ang helicopter sa 34th Street subalit labing-isang minuto lamang ang nakalipas nang mag-crash ito sa 787 Seventh Avenue.

Napag-alamang dahil moderate to heavy ang ulan at mahina ang visibility sa lugar, nagpatila pa ng ulan ang piloto pero sa hindi malamang dahilan ay bigla itong nagpasya na ituloy na ang pagbiyahe

Nilinaw naman ni Mayor Bill de Blasio na walang indikasyon na may kinalaman sa terorismo ang insidente.