Close

Pilipinas, may pinakamaraming kaso ng HIV sa Asya

Nananatili paring number 1 ang Pilipinas sa buong Asya na may maraming kaso ng HIV o human immunodeficiency virus at AIDS o acquired immunodeficiency syndrome.

Ayon kay Department of Healty Asec. Eric Tayag, 30 kaso ng HIV ang naitatala sa bansa araw-araw.

Dagdag pa ni Tayag, 5,401 na kaso ng HIV at Aids ang naitala magmula Enero hanggang Hunyo 2017 kung saan 29 dito ang nauwi sa pagkamatay.

Bagamat nananatiling mababa ang paglaganap nito, Pilipinas parin ang may pinakamaraming naitatalang kaso nito.

Ang HIV ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik ng walang proteksyon sa taong may HIV o AIDS. (Aci del Rosario)